Nagtapat si JOB sa DIYOS
BY : Jeffrey Detalla
NAKIKITA mo ba ang
taong maysakit? Job ang pangalan niya, at ang babae ay asawa niya. Sinabi nito
kay Job: ‘Sumpain mo ang Diyos para mamatay ka na.’ Bakit nagsalita siya nang
ganito? At bakit masyadong naghihirap si Job?
Si Job ay nagkaroon ng
mga bukol
Si Job ay mabuting tao
na sumusunod kay Jehova. Mahal ni Jehova si Job. Pero may napopoot sa kaniya.
Alam mo ba kung sino?
Si Satanas na Diyablo.
Si Satanas ang masamang anghel na napopoot kay Jehova. Sinisikap niya na lahat
ay sumuway kay Jehova. Pero nagtagumpay ba siya? Hindi. Isipin mo ang
napakaraming tapat na lalaki at babae na napag-aralan na natin. Ilan ang
natatandaan mo?
Nang mamatay si Jose
sa Ehipto, si Job ang pinakamatapat na tao sa buong lupa. Gustong ipakita ni
Jehova kay Satanas na hindi lahat ay masama, kaya sinabi niya: ‘Tingnan mo kung
gaano katapat si Job sa akin.’
‘Tapat nga siya,’
sagot ni Satanas, ‘kasi binigyan mo siya ng maraming mabubuting bagay. Bawiin
mo ito, at tingnan mo kung hindi ka niya sumpain.’
Kaya sinabi ng Diyos:
‘Gawin mo ang lahat ng masamang gusto mong gawin kay Job. Huwag mo lang siyang
papatayin. Tingnan natin kung susumpain nga niya ako!’
Una, lahat ng baka at
tupa at kamelyo ni Job ay ninakaw. Pagkatapos ay namatay ang kaniyang 10 anak
na lalaki at babae. Sumunod, pinadalhan ni Satanas si Job ng isang nakakadiri,
mahapding sakit. Kaya sinabi ng asawa ni Job: ‘Sumpain mo ang Diyos para
mamatay ka na.’ Pero ayaw gawin ito ni Job. At saka, tatlong masamang kaibigan
ang dumalaw at nagsabi sa kaniya na naging masama siguro ang kaniyang buhay.
Pero nagtapat si Job.
Kaya tuwang-tuwa si
Jehova. Pinagpala niya si Job gaya ng makikita mo sa larawan. Pinagaling siya,
at binigyan siya ng mas magagandang anak, at mas maraming baka, tupa at
kamelyo.
Lagi ka bang
magtatapat gaya ni Job? Kung oo, ikaw rin ay mabubuhay magpakailanman, kapag
ang buong lupa ay naging kasingganda ng hardin ng Eden.