Biyernes, Pebrero 3, 2017

Tekston Persweysiv: Darwin Y. Patac

                       Bawal na Gamot o Droga

                                       ni : Darwin Y. Patac

May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito'y nakakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumagamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.


Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.
Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.

Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot.

13 komento:

  1. Permission to put on assignment. Thank u very much. '

    TumugonBurahin
  2. Permission to mr. Darwin Can I used this in my assignment, thanks!

    TumugonBurahin
  3. Permission as a basis to my persuasive text tysm

    TumugonBurahin
  4. Permission to Mr. Darwin can I use this in my assignment. Thanks

    TumugonBurahin
  5. Permission to mr darwin can i use this in my homework..thank u

    TumugonBurahin
  6. Permission to mr darwin can i use this for my homework. Thank you so much.

    TumugonBurahin