Droga, Masama nga ba?
ni: Darwin Y. Patac
Naniniwala ako na sobrang sama ng naidudulot ng ilegal na
droga sa kabataan ngayon. Sa katunayan nalilimitahan nito ang lahat ng
posibleng aksyon at ganun din ang pagiging malikhain ng mga tao. Kawalan ng
magawa ang malimit na nagiging dahilan nito at napakasama nito.
Ang droga ay isa sa mga bagay na nagiging dahilan ng
pag-usbong ng napakaraming musika, iba’t ibang “genre”, tono, at iba pa.
Maraming awit ang nagawa dahil sa mga manunulat at awtor na nakatira ng droga.
Kung di dahil sa droga, malamang wala ang ilan sa mga awiting ito.
Dinadala ng illegal na droga ang isang tao sa mundo kung
saan nagagawa nila ang mga bagay na sa tingin nila ay imposible kung hindi sila
nasa ilalim ng pinagbabawal na drogang ito. Bakit hindi nalang limitahan?
Mayroon tayong literal na bilyong bagay na maaaring gawin sa mundong ito, at
mayroon lang tayong humigit kumulang 35 na taon na maranasan yung mga bagay na
yun sa ating pagtanda. Sa sobrang daming pagpipilian sa mga dapat gawin, bakit
hindi nalang piliin yung mga bagay na hindi makakasira ng kalusugan at
makakapagpahamak sa tao. Hindi delikado ang droga. Bawat report tungkol sa
droga tulad ng marijuana na nagsasabi na ito ay hindi nagtatagal at hindi ito
nakakaadik. Mga bagay na sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang epekto.
Sa bawat patunay na ito ay hindi delikado, mas madami ang
sumusulpot ng mga pag-aaral na lumalabas ay sapat na para patunayang delikado
nga ito. Pero gagamitin mo ba ang illegal na dorga para ma”high” ka
habangbuhay? Bakit hindi mo paniwalaan na ang droga ay wala naman sadyan
masamang epekto. Oo, marahil magulo at may mga positibo at negatibong ebidensya
pero ang totoong dahilan lang naman kung bakit ito nakakaadik at nakakasira ng buhay
ay ang sarap na naidudulot nito sa gumagamit. Lahat ng masarap ay nakakaadik at
kaya sila gumagamit kasi kailangan nila ito.
Gawing legal ang droga at mawawalan ng krimen. Marami ang
nakukulong dahil sa mga bagay na kaugnay ang pinagbabawal na droga. Kahit yung
mga taong nakulong dahil sa pagnanakaw at iba pa ay kaugnay pa din sa paggamit
ng droga. Gawing legal ito at mawawala ang krimen.
Hindi kaya sugpuin ng apoy ang kapwa apoy. Gumawa ng ibang
paraan.
Ang lohika sa kabila ng legalisasyon nito ay terible at
mahirap isagawa itong ‘reverse psychology’ na ito. Maikli lang ang buhay ng tao
at nais nala abutin ang estado kung saan di nila alam ang buhay. Bilyun-bilyong
bagay ang maaaring gawin, wala naman sigurong gustong mabuhay na hindi ito
nagagawa. Hayaang malaman ng tao ang sarili nilang pagkakamali.
na nagsasabing ito ay
delikado.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento