Biyernes, Pebrero 3, 2017

prosedyural by : Jeffrey Detalla

Tips ni Jeffrey - Paano Gumawa ng Basket Gamit ang Lumang Dyaryo
Ihanda ang gagamitin: dyaryo, gunting, stapler
1. Gupitin sa gitna ang isang buong dyaryo.
2. Ang kalahati ng dyaryo ay gupitin ulit sa gitna.
3. Tiklupin ang bawat papel ng tatlong beses.
4. Pahigain ang labin-dalawang tiniklop na mga papel na magkakatabi.
5. Magsimula sa tabi ng mga tiniklop na dyaryo, maglagay ng 10-12 sentimetro espasyo.
6. Papalit-palit na isingit ang iba pang mga tiniklop na papel sa mga nakahigang tiniklop na papel.
7. Sa 10-12 sentimetrong espasyo, ipagpatuloy ang paghabi pero ngayon ay patayo na para makagawa ng dingding ng basket.
8. Lagyan ng stapler ang simula at dulo ng bawat tiniklop na dyaryo para magkakapit ang mga papel.

9. Gupitin ang sobrang papel sa mga gilid ng basket. Para malinis tingnan, patungan ng tiniklop na papel ang gilid ng basket.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento