Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria
Ni : Ronalyn Eslao
Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may
isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga tao
doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon
nito. Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng
pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula noon ay lagi na siyang pumupunta
sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila
tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng
matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang
ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang pagkahinto sa
paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.
Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng
alon ang Haring Alon na kumain sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming
namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya ng
napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong
kailangan ng buong mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig
upang tumigil ang Haring Alon.
Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking
alon hindi niya ininda ang hampas ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan,
nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na
muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng
walang takot at pangamba sa kanilang puso.
PLAGIARIZED from: https://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&ved=0ahUKEwjUnIDz0uTSAhWKu7wKHVc3CUgQFggYMAA&url=http%3A%2F%2Fwinstonnavarro.blogspot.com%2F2007%2F09%2Fhalimbawa-ng-isang-textong-narative.html&usg=AFQjCNGW_LRIN-4HyKfLNAKTe7Og4rKMpw&bvm=bv.149760088,d.dGc
TumugonBurahin