“Ang
lalaking may gitara”
ni: Kris May Rotairo
"Oh, Elle di ka
ba male-late niyan?" tanong ng Tita ko.
"Di naman Tita. Alas-diyes pa naman ang pasok ko eh." nakangiting sagot ko. Alas otso pa lang. Tantsa ko eh alas nueve y media nasa opisina na ako. "Alis na po ako." sabi ko pa bago lumabas ng gate.
Sa may McKiley Hill Taguig ako nagta-trabaho. Limang buwan na rin ako doon kaya naman sanay na ako sa mahabang biyahe. Tatlong sakay ang ginagawa ko bago makarating dun.
Sumakay ako ng jeep patungo sa terminal ng FX. Wala akong ibang choice eh. Yun lang ang magandang way para makarating sa opisina. Kahit na mas mahal ang bayad sa FX.
Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa terminal.
"Sh*t." nasabi ko na lang pagkababang pagkababa ko pa lang ng jeep.
Kita ko kasi kung gaano kahaba yung pila sa terminal ng FX papuntang Ayala. Ayala ang sinasakyan ko dahil wala namang diretsong The Fort. Naku naman! Baka ma-late ako nito. Masama pa man din ang panahon. Buti na nga lang tumila na yung ulan. Sobrang hassle talaga. Sana pala inagapan ko pa ng konti. Kung alam ko lang na ganito kahaba yung pila. Tsk!
May ilang minuto na rin ang lumilipas pero ni walang dumarating ng FX. Pag minamalas ka nga naman oh! Nasaan na ba yang mga lintik na FX na yan? Never pa akong na-late sa trabaho! Ito pa lang ang unang beses pag nagkataon!
"Miss... pila 'to ng Ayala?" tanong nung lalaki sa likod ko.
Nakakunot noo ako nang tumango sa kanya. Ni hindi ko siya tinignan. Wala ako sa mood sumagot ng maayos sa mga obvious na tanong. Wala namang ibang pila dito kundi Ayala at Crossing. Dun sa kabila may FX nakalagay "Crossing" malamang dito na yung Ayala di ba? Pssh. Common sense naman Kuya!
Kinuha ko na lang yung cellphone ko. Makikinig na lang ako ng music at baka sakaling mabawasan yung init ng ulo ko. Dahil mejo nangangawit na ako, himarap ako sa may barandilya at pinatong yung dalawang braso ko dun.
Mag kakalahating oras na ang lumipas pero isang FX pa lang ang dumating. At tantsa ko eh mga apat na FX pa bago ako makakasakay. Napatingala ako nang maramdaman kong may tubig na pumatak sa braso ko. Umaambon na naman. Pag minamalas ka naman talaga oh.
Kinuha ko agad yung payong sa bag ko. Wala kasing bubong dito sa terminal. Yung waiting shed lang. Eh ang layo ko dun kaya kelangan talaga ng payong.
Habang tumatagal eh nararamdaman kong lumalakas yung ambon. Napakunot yung noo ko nung biglang may gitara na nasa may paanan ko. Halatang naisilong yun sa payong na hawak ko. Pasimple kong sinulyapan yung katabi ko sa kanan. Siya yung engot na tinanong pa kanina kung pila ng Ayala ito. Naka jacket siya at yung hood niya lang yung pumoprotekta sa kanya para di siya masyadong mabasa. Ambon lang naman eh. Pilit kong inaaninag yung mukha niya pero di ko makita. Tsk! Lesheng hood yan oh! Gusto kong makita hitsura ni Kuya eh! Naa-attract kasi ako sa mga lalaking marunong mag-gitara. Eh di ko napansin na may bitbit siya kanina kaya mejo nasungitan ko siya.
Naramdaman kong lumalakas yung patak nung ulan sa payong ko. Napatingin ulit ako kay Kuya. Mukhang di na kaya ng jacket niya yung ambon.
Huminga muna ako ng mga sandaang beses pero joke lang yun, mga sampung beses lang saka ako nagsalita.
"Kuya, silong ka na oh." sabi ko sabay angat nung payong ko para umabot sa ulo niya. Mejo may katangkaran kasi siya eh.
Tumingin siya saken saka ngumiti. Ang cute niya pala! OMG! Ang landi ko lang ano ba yan!
"Huwag na. Baka mabasa ka pa. Itong gitara na lang." aniya saka lalong nilapit yung gitara para masilungan yun ng maayos.
"Naku baka magkasakit ka niyan Kuya." medyo concerned na sabi ko.
Natawa siya ng bahagya saka hinawakan yung payong. Bahagya niyang nahawakan yung kamay ko. Parang napaso ako sa pagdampi ng kamay niyang yun kaya napabitaw ako sa payong. Buti na lang hawak niya na yun at siya na ang nag-payong sa aming dalawa.
"Sige na nga. Para di ka na mag-alala jan." natatawa pa ring sabi niya.
Naramdaman ko yung pag-init ng pisngi ko. Tumungo ako kasi alam kong namumula na ako. Baket ba kasi ang cute niya? At ang ganda ng boses niya ha? Infairness.
"Saan punta mo Kuya?" pagsisimula ko ng usapan. Gusto ko kasing mabago yung usapan eh.
"Ahh sa Makati. Pupunta kami dun sa Recording Company na pinagpasahan namin ng demo. Gusto daw kaming makausap ng personal. Saka tutugtog kami para sa kanila."
"Wow! Good luck Kuya! Nice!" namamanghang sabi ko. "Lead guitarist ka Kuya?" tanong ko sabay tingin sa gitara niya.
Umiling siya. "Rhythm. Saka Vocals." nakangiti pa niyang sabi.
Lalo pa akong namangha. Mukha lang akong tanga. "Oh? Vocalist ka din? Nagvo-vocalist din ako dati! Kaso tinigil ko na eh." bigla kong nasabi.
"Talaga? Ayos yun ah. Baket ka naman tumigil? Sayang naman!" aniya.
Ngumuso ako ng bahagya saka nagsalita. "Kasi naman kinailangan kong pumili kung pagkanta ba o pag-aaral eh. Di naman kami mayaman kaya mas mahalaga yung pag-aaral. Wala naman kasing kasiguraduhan sa pagkanta eh."
Tumango-tango lang siya. Nakikinig sa mga kwento ko. Dahil sa pinanganak akong madaldal eh tuloy-tuloy yung kwento ko. Nang mapagod na lang ako saka ako tumigil. At ang nakakatuwa jan, pinanganak din palang madaldal itong si Kuya at tuloy-tuloy ang kwento. Naikwento niya na ata yung buong buhay niya eh.Ultimo pinapanood niya sa TV nai-kwento niya. Kaya naman pakiramdam ko eh kilalang-kilala ko na siya.
Bandang alas nueve na nang may dumating na van at nakasakay kami. Buti na lang at van na yung dumating. Kasi kung FX yan maghihintay pa ulit kami ng parating bago makasakay.
Magkatabi pa kami sa upuan kaya naman naipagpatuloy pa namin ang pagu-ututang dila. Napansin kong mejo nanginginig siya kaya kinuha ko yung extrang bimpo ko sa bag. Actually, tatlo ko na kasi.
"Kuya oh. Punas ka ng sarili mo. Basa ka eh." iniabot ko sa kanya yung isang bimpo. "Tapos ito ilagay mo sa likod mo para mainitan yung likod mo at di ka magkasakit." sabi ko pa sabay abot nung isa pang bimpo.
Napangiti siya nanag malapad. "Wag na, wala kang gagamitin pag ginamit ko yan." aniya at hindi inabot yung dalawang bimpo.
"Meron pa ako dito oh." Pinakita ko sa kanya yung isa pang bimpo sa bag ko. "Tapos ito pa." pinakita ko yung panyong hawak ko. "Saka may extra pa ako sa locker ko sa opisina." sabi ko sabay tapat sa mukha niya nung dalawang bimpo.
Natawa siya nang malakas na ikinatingin nung ibang pasahero. Nag-sorry siya agad dun sa mga nakatingin sa kanya.
"May tindahan ba kayo ng bimpo?" naaaliw na bulong niya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama na lalo niyang kinatawa. Pero this time pigil na pigil siya. Baka kasi magalit na naman yung ibang pasahero eh. Habang impit na tumatawa eh inabot niya yung mga bimpo at nagsimulang punasan yung basang mga braso niya saka yung mukha niya. Nilalagay niya rin yung isang bimpo sa likod niya gaya ng sabi ko. Kaso dahil di niya yung masyadong abot, kita ko sa kanyang hirap na hirap siya.
"Kelangan ng tulong?" tanong ko.
Tumango siya saka tila nahihiyang inabot saken yung bimpo. Ang cute niya lalo! Ano ba yan ang landi ko talaga!

PLAGIARIZED FROM WATTPAD
TumugonBurahin