VAT ay mahalaga sa ekonomiya ng Pilipinas
by : Jeffrey Detalla
Matatag ang prinsipyong
pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na
makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking
gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi
kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na
siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita
sa iba’t ibang bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na
modernisasyon ng lokal na industriya.
Sinimulan ding palawakin noong 1992
ang “privatization” na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta
nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila
Hotel at Petron.
At ngayon, ang pagpapatupad ng isang
mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED
VALUE ADDED TAX LAW.
Ang EVAT ay hindi laban sa
nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga
Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary
commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang ang mayroon tulad ng
lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real
estate at iba pa.
Hindi sakop ng EVAT ang mga primary
goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo,
gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang
“taxation” at masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa
kaban ng bayan.
Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang
pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang
ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa
ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating
mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating
mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating
magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.
PLAGIARIZED.
TumugonBurahinAng tekstong ito ay kinuha sa: https://edtechbest.wordpress.com/tekstong-descriptiv/tekstong-persweysiv/
oo
Burahinthanks for this
TumugonBurahin