Huwebes, Pebrero 2, 2017

NARATIBONG TEKSTO

"IIBIGIN NA LAMANG ANG LARONG DOTA"
BY: PAUL ANUNSAON


                      Mayroon akong kaibigan, simula pagkabata naglalaro na sya ng sinasabing laro "Dota".
Kaya't lumaki siyang manlalaro nang dota, mejo maypagka geek itong taong to. kaya nung pag pasok niya nang haiskul sa isang pribadong eskwelahan, napadaan itong si Jay sa tambayan namin sa campus, mejo ta-tanga kase itong si Jay. Nakita na niya na may nakaharang ewan bakit na bundol pa siya dun. At dun tumawa kami ng malakas, lumingon siya sa amin parang papalag pa. Kinabahan kami, pero wala lang pala parang takot, walk out eh.

                 Palagi siyang duma-daan sa tambayan namin. Ilang araw o buwan sa pag daan niya sa harapan namin napag desisyonan na ng tropa na kausapin si Jay. Napag-alaman kasi nila na wala palang kaibigan sa campus si Jay. Sinasabay na nila sa gimik itong si Jay, makasabay naman pala siya. Kase lumaki din pala sya sa labas nang kanilang bahay. Marunong siyang makihalobilo sa iba pero nga lang mahiyain sya kaya ayon hinihintay lang niya na kakausapin siya o i "approach". Natanong nang bago niyang ka barkada kung ano ang kanyang hilig na laruin. kase ang sa kanila basketball. Sinabi ni Jay na isa lang talaga ang hilig niya ang paglalaro ng dota magdamag. napa "wow" ang bago niyang ka tropa sa word na "Magdamag". Naimpluwensyahan ni Jay itong mga kaibigan niya na lalaro ng dota, at doon na addict silang lahat sa larong iyon. Pero ang mabuting bagay eh. Hindi nila pina pababayaan ang kanilang pag-aaral. Years past by, Magkakaibigan parin sila dota parin nilalaro, masaya ang barkadahan, nagtatawanan, may iyakan, pagtatapat ng dinaramdam o marami pa yun.

                 Ika-apat na taon na ni Jay sa kanyang paaralan (4th Year). Sila parin ng tropa niya ang magkakasama palagi, hindi na classmate pero nagkikita parin sa tambayan. Okay na rin kesa magkakahiwalay o magka watakwatak. Nagkikita parin sila ng barkada niya pero nagtaka itong mga kaibigan niya kung bakit itong si Jay, Limit na kung makalaro nang dota. Kaya tinanong nila. "Oy pre bat limit kanang naglalaro ng dota?" Sabi ni Jay "wala akong pera eh" tropa "eh noon nga kung wala kang pera palagi kang naghahanap ng paraan makalaro lang kasama namin" Jay "walang nasabi" Tropa" may problema ba? eh kung meron bakit hindi mo sasabihin iintindihin ka namin" at dun sinabi ni Jay sa kanyang Barkada na "Pre, ayaw ko nang mag laro. Hindi kase gusto nang nililigawan ko na maglaro ng dota. kaya bibitaw na ako sa larong iyan." Bumitaw si Jay sa larong dota, at hinihintay na sagutin ng kanyang nililigawan. Inlove na inlove itong si Jay sa kanyang nililigawan hanggang dumating ang panahon na sinabihan siya nung babaeng nililigawan niya na "ayaw ko muna magka Boyfriend" Dayum, Napaiyak si Jay,Napainom, kasama barkada.. Ewan ko bakit naiyak din kami noon. Pero siguro napaasa si Jay kaya sakit din sa parte nang barkada niya. at dun sinabi ni Jay na "Ayoko na ng love life nakakasira sa pagdodota (lasing) buti pa nung una eh dota nalang inibig ko, hindi pa ako masasaktan, kasi kung iiwan ko siya tanggap parin niya ako, 20 pesos lang masaya na ako mas masaya pa pagkasama ang tropa, pasensya mga tol. Cant help falling in love" at dun wala nang mapuntahan itong si Jay kaya't bumalik na lamang siya sa paglalaro nang dota. Yun yung bagay na nagpapaligaya sa kanya simula pa noon. Hindi ang mainlove.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento