Biyernes, Pebrero 3, 2017

NARATIBO by : Jeffrey Detalla

                                        Nagtapat si JOB sa DIYOS 
                                            BY : Jeffrey Detalla


NAKIKITA mo ba ang taong maysakit? Job ang pangalan niya, at ang babae ay asawa niya. Sinabi nito kay Job: ‘Sumpain mo ang Diyos para mamatay ka na.’ Bakit nagsalita siya nang ganito? At bakit masyadong naghihirap si Job?

Si Job ay nagkaroon ng mga bukol
Si Job ay mabuting tao na sumusunod kay Jehova. Mahal ni Jehova si Job. Pero may napopoot sa kaniya. Alam mo ba kung sino?

Si Satanas na Diyablo. Si Satanas ang masamang anghel na napopoot kay Jehova. Sinisikap niya na lahat ay sumuway kay Jehova. Pero nagtagumpay ba siya? Hindi. Isipin mo ang napakaraming tapat na lalaki at babae na napag-aralan na natin. Ilan ang natatandaan mo?

Nang mamatay si Jose sa Ehipto, si Job ang pinakamatapat na tao sa buong lupa. Gustong ipakita ni Jehova kay Satanas na hindi lahat ay masama, kaya sinabi niya: ‘Tingnan mo kung gaano katapat si Job sa akin.’

‘Tapat nga siya,’ sagot ni Satanas, ‘kasi binigyan mo siya ng maraming mabubuting bagay. Bawiin mo ito, at tingnan mo kung hindi ka niya sumpain.’

Kaya sinabi ng Diyos: ‘Gawin mo ang lahat ng masamang gusto mong gawin kay Job. Huwag mo lang siyang papatayin. Tingnan natin kung susumpain nga niya ako!’

Una, lahat ng baka at tupa at kamelyo ni Job ay ninakaw. Pagkatapos ay namatay ang kaniyang 10 anak na lalaki at babae. Sumunod, pinadalhan ni Satanas si Job ng isang nakakadiri, mahapding sakit. Kaya sinabi ng asawa ni Job: ‘Sumpain mo ang Diyos para mamatay ka na.’ Pero ayaw gawin ito ni Job. At saka, tatlong masamang kaibigan ang dumalaw at nagsabi sa kaniya na naging masama siguro ang kaniyang buhay. Pero nagtapat si Job.

Kaya tuwang-tuwa si Jehova. Pinagpala niya si Job gaya ng makikita mo sa larawan. Pinagaling siya, at binigyan siya ng mas magagandang anak, at mas maraming baka, tupa at kamelyo.


Lagi ka bang magtatapat gaya ni Job? Kung oo, ikaw rin ay mabubuhay magpakailanman, kapag ang buong lupa ay naging kasingganda ng hardin ng Eden.

prosedyural by : Jeffrey Detalla

Tips ni Jeffrey - Paano Gumawa ng Basket Gamit ang Lumang Dyaryo
Ihanda ang gagamitin: dyaryo, gunting, stapler
1. Gupitin sa gitna ang isang buong dyaryo.
2. Ang kalahati ng dyaryo ay gupitin ulit sa gitna.
3. Tiklupin ang bawat papel ng tatlong beses.
4. Pahigain ang labin-dalawang tiniklop na mga papel na magkakatabi.
5. Magsimula sa tabi ng mga tiniklop na dyaryo, maglagay ng 10-12 sentimetro espasyo.
6. Papalit-palit na isingit ang iba pang mga tiniklop na papel sa mga nakahigang tiniklop na papel.
7. Sa 10-12 sentimetrong espasyo, ipagpatuloy ang paghabi pero ngayon ay patayo na para makagawa ng dingding ng basket.
8. Lagyan ng stapler ang simula at dulo ng bawat tiniklop na dyaryo para magkakapit ang mga papel.

9. Gupitin ang sobrang papel sa mga gilid ng basket. Para malinis tingnan, patungan ng tiniklop na papel ang gilid ng basket.

Argyumentatibo by : Jeffrey Detalla

                                                 Inlove o Hindi ?
                                                  by: JEFFREY DETALLA


“Ang pag-ibig ay hindi basta basta dumarating sa ating buhay, hindi rin ito basta basta hinihingi kundi dumarating ito sa isang di inaasahang pagkakataon at kung minsan pa’y di natin inaakala na ang mismong kaharap na natin ay ang matagal tagal na nating pinakaaasam na pag-ibig”. Ngunit kailan nga ba natin masasabing tunay na pag-ibig na ito? Paano nga ba natin nararamdaman kapag tayo ay inlove? At ang pinakamabigat na tanong, gaano tayo kasigurado na ang taong ito ay siyang nakatakda talaga sa ating buhay?

         Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan na nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino talaga ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang tao ay “inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo ‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka ng walang dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan niya sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa, kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang mainlove sa isang tao lalo na kung alam mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba “Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda, mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman ay nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong grabe kung magmahal, ‘yong tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din namang ginagawa lang laro ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa lang inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa sobrang kilig, hampas ng katabi, at “pabebe-effect” o parang sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang pero grabe kung mainlove, tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung anong isipin ng iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa hanggang dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa inyong mga magulang. Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao, ‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap nila pero wala namang nangyayari, nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang mundo ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.




                Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat tanggap niyo ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong mahal mo siya .Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan. Bago tayo pumasok sa isang relasyon, isipin muna natin ng maiigi, para sa huli, walang pagsisising magaganap.

PERSWEYSIV by : JEFFREY DETALLA

                                               VAT ay mahalaga sa ekonomiya ng Pilipinas
                                                               by : Jeffrey Detalla

     Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng lokal na industriya.
          Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.
          At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.
          Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real estate at iba pa.
          Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.
          Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Tekstong prosedyural: Darwin Y. Patac

                       ADOBONG MANOK SA GATA

                                      ni : Darwin Y. Patac

Sangkap

1kilomanok, hiniwang katamtaman ang laki
¼kutsaritaasin
¼tasatoyo
¼kutsaritapamintang buo
1ulobawang, tinadtad
1tasasuka
1tasakakang gata
3pirasosiling haba

Paraan ng pagluto

  1. Paghaluin sa kaserola ang manok, asin, toyo, paminta, bawang at suka.
  2. Hinaan ang apoy at hayaang lumambot ang manok.
  3. Ibuhos ang gata at sili.
  4. Lutuin hanggang lumapot ang sarsa.

Tekstong Argumentatibo Darwin Y. Patac

                                  Droga, Masama nga ba?

                                                 ni: Darwin Y. Patac

Naniniwala ako na sobrang sama ng naidudulot ng ilegal na droga sa kabataan ngayon. Sa katunayan nalilimitahan nito ang lahat ng posibleng aksyon at ganun din ang pagiging malikhain ng mga tao. Kawalan ng magawa ang malimit na nagiging dahilan nito at napakasama nito.

Ang droga ay isa sa mga bagay na nagiging dahilan ng pag-usbong ng napakaraming musika, iba’t ibang “genre”, tono, at iba pa. Maraming awit ang nagawa dahil sa mga manunulat at awtor na nakatira ng droga. Kung di dahil sa droga, malamang wala ang ilan sa mga awiting ito.
Dinadala ng illegal na droga ang isang tao sa mundo kung saan nagagawa nila ang mga bagay na sa tingin nila ay imposible kung hindi sila nasa ilalim ng pinagbabawal na drogang ito. Bakit hindi nalang limitahan? Mayroon tayong literal na bilyong bagay na maaaring gawin sa mundong ito, at mayroon lang tayong humigit kumulang 35 na taon na maranasan yung mga bagay na yun sa ating pagtanda. Sa sobrang daming pagpipilian sa mga dapat gawin, bakit hindi nalang piliin yung mga bagay na hindi makakasira ng kalusugan at makakapagpahamak sa tao. Hindi delikado ang droga. Bawat report tungkol sa droga tulad ng marijuana na nagsasabi na ito ay hindi nagtatagal at hindi ito nakakaadik. Mga bagay na sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang epekto.
Sa bawat patunay na ito ay hindi delikado, mas madami ang sumusulpot ng mga pag-aaral na lumalabas ay sapat na para patunayang delikado nga ito. Pero gagamitin mo ba ang illegal na dorga para ma”high” ka habangbuhay? Bakit hindi mo paniwalaan na ang droga ay wala naman sadyan masamang epekto. Oo, marahil magulo at may mga positibo at negatibong ebidensya pero ang totoong dahilan lang naman kung bakit ito nakakaadik at nakakasira ng buhay ay ang sarap na naidudulot nito sa gumagamit. Lahat ng masarap ay nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi kailangan nila ito.

Gawing legal ang droga at mawawalan ng krimen. Marami ang nakukulong dahil sa mga bagay na kaugnay ang pinagbabawal na droga. Kahit yung mga taong nakulong dahil sa pagnanakaw at iba pa ay kaugnay pa din sa paggamit ng droga. Gawing legal ito at mawawala ang krimen.

Hindi kaya sugpuin ng apoy ang kapwa apoy. Gumawa ng ibang paraan.

Ang lohika sa kabila ng legalisasyon nito ay terible at mahirap isagawa itong ‘reverse psychology’ na ito. Maikli lang ang buhay ng tao at nais nala abutin ang estado kung saan di nila alam ang buhay. Bilyun-bilyong bagay ang maaaring gawin, wala naman sigurong gustong mabuhay na hindi ito nagagawa. Hayaang malaman ng tao ang sarili nilang pagkakamali.


 na nagsasabing ito ay delikado.

Tekstong Naratibo: Darwin Y. Patac


                                      BESTFRIEND

                                                ni : Darwin Y. Patac

May classmate and bestfriend ko na crush mula grade school but nung grade 4 kami umalis sya sa province namin lumipat sya, until grade 10 nagkaroon kami ng connection sa pamamagitan ng facebook and yung crush ko may kapatid na lalaki na 1 year ang gap nila bale mas matanda yung crush ko. Yung kapatid ng crush may gusto sakin matagal na at alam ko yun at suddenly nanligaw sya nung nalaman nyang may fb ako well eto naman si ako mafall at dahil bawal akong magbf na pagdisisyonan ko M.U. nuna kami till lumipat yung kapatid ng crush ko sa province ulit namin. We go to malls but kahit na ganu never kaming nagholding hands. Pa maria clara bako pero siguro naniniwala lang ako na dapat no touch whahaha.. Masaya kami till dumating yung time na kinakatakutan ko nalaman nyang naging crush ko yung kuya nya. Simula nun umiwas na sya chinachat kinoll tinext ko sya pero wala, wala ninisa syang nireply at sinabi hindi nya man lang ako pinagpaliwanag... Nasa kwarto lang ako lagi iyak ng iyak every time na mag riring ang phone ko i was hoping na sya yun.. But the end of the day wala.. Hind sya. sobrang sakit that tym no one was their to comfort me... 1 month akong lutang vacation kaya ok lang... pero biglang may nagchat saki ay si Xclassmate/xCrush/bestfriend. Nagsimula sa kumusta hanggang sa lagi nakaming magkachat magkatext magkacall yung feeling na we cant live kaming communication, like no can stop us. Umamin sya na mahal nya nako mula grade school plang pero torpe daw sya at mas pinili nya ang friendship kasi dun kami mag tatagal. Umamin din ako.. pero sa pag amin namin we stock of being bestfriend we love each other pero sadyang maria clara ako whahaha... at dahit mahal nya ko hinihintay nya ko well at dahil top student sya ayaw nyang pabayaan ang study nya like me... ....then akala ko masaya akala ko sya na si forever but nawalan kami ng communication na syang nagdudugtong samin 1month kaming nawalang ng communication... Aug 04 (12:00 am) its my birthday saktong may nagtext
Unknown number
"Hellow sunget, I miss you alot you know i always think of you. By the way Happy bertday sunget. But inspite of your kasungitan i still CARES for you"
Hay unknown # man yan i still know sino yan walang ibang kung di sya... Paano dahil sa callsign namin na SUNGET but make me strange yung "i still CARES for you" because i was expecting na "I still love you" pero ganun panam nag reply ako
Me
"Hi sunget miss you to. Whahaha ang tanda ko na noh. Ok lang yan basta Grow old with you whahah ang corny ko.. thank you pala mwa labyow"
Him
"No problem basta ikaw"
Me
"baha nun ohh! Nasaan labyow too ko? "
Him
"Bkt ang pabebe mo ngayun"
Me
"Cause i really miss you"
To make the story short how many time i say i love him but he never reply i love you too. Nasana that was my very special gift but wla.. Basyu! then bigla natext ulit sya ng gabi "You make my world very different. Whatever happen Remember this i love you, i really do pero baka hindi lang tlga tayo para sa isat isa i have a girlfriend now. Good bye"
Ang plano ko sa birthday ko ay maging special ito pero hind it becomes the saddess day of my life it tripples the pain nung sa kapatid nya.. Ang sakit sobra i dont know how to move on. Ang life so sinubsob ko sa pagaaral ang life ko till nararamdaman kona na unti inti nakaka move on nako from pain...
Before seambreak some texted me..
Unknown number...
"I will come back"
Next day
Unknown number...
"Hope you still accept me"
Walang akong nireplayang sa mga yun first i dont have time and second i dont have load..
Oct 28 nag text ulet yung unknown number
"Sunget im here. Sa tapat ng puso mo waiting for you.. na buksan ulit ito. Can i enter again"

Bkt ngayun pa kung kailan move on nako bkt. Till now di ko pa nirereplayan.. what will I tell.. I really dont know.

Tekston Persweysiv: Darwin Y. Patac

                       Bawal na Gamot o Droga

                                       ni : Darwin Y. Patac

May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito'y nakakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumagamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.


Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.
Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.

Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot.

Tekstong Prosedyural: Ronalyn Eslao

                              Tinolang Manok

                                         ni: Ronalyn Eslao


1              kilo         manok, hiniwa sa maliit na piraso
3              kutsara mantika
4              kutsarita              dinikdik na bawang
2              kutsara ginayat na luya
½             tasa        tinadtad na sibuyas
2              kutsara patis
4              tasa        hugas-bigas
2              tasa        hiniwang berdeng papaya o sayote
½             tasa        dahon ng sili
Paraan ng pagluto
Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
Idagdag ang manok  at  patis.
Timplahan ayon sa panlasa.
Ibuhos ang hugas-bigas at takpan ang kaserola.
Hayaang kumulo at lumambot ang manok.
Idagdag ang papaya o  sayote at lutuin hanggang lumambot.
Bago patayin ang apoy ay isama ang dahon ng  sili.

Tekstong Argumentatibo: Ronalyn Eslao

                        Smoking Kills, Di Nga Ba ?

                                       ni: Ronalyn Eslao

  Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo. May malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasyong ito, "Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?".

          Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong panay buga ng usok mula sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga adik sa sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa paghithit sa mga ito. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4, 800 na kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69 dito ay maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan na mas maagang namamatay ang mga naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit nito pero maaari  pa ring maapektohan ang mga taong ito kung makakalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo. Maaari pa ring malagay sa bingit ng kapahamakan ang mga tao kahit hindi sila humithit ng sigarilyo.

          Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo natin ay lulong sa paggamit ng sigarilyo at hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat sana'y modelo ng bansa. Nakikita naman nating may aksyong ginagawa ang pamahalaan ngunit parang kulang pa ang pagpapaalala nila sa mga tao. Kailangan nilang mas pag-igihin ang pagmungkahi ng mga solusyon at pagsasabatas ng mga ito upang supilin ang adiksyon ng mga tao sa sigarilyo. Kailangan nilang mas maghigpit para makasigurong ligtas ang mamamayang Pilipino mula sa mga negatibong epekto ng paninigarilyo.


          Walang anumang kapaki-pakinabang sa paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin siguro ang pagkilos at kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang tuluyan na iasa sa pamahalaan ang paghahanap ng solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas mapapabilis ang pagwakas sa masamang epekto ng paninigarilyo, kung sisimulan ng mga "smokers" ang pagbabago at pag-eensayo ng kontrol sa sarili.

Tekstong Narratibo: Ronalyn Eslao

                         Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria

                                           Ni : Ronalyn Eslao

Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito. Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.

Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng buong mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.

Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at pangamba sa kanilang puso.

Tekstong Persuweysiv : Ronalyn Eslao

" KABATAAN; Sa Maagang Pagbubuntis "
ni: Ronalyn Eslao


       Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nahahantong sa maagang pagbubuntis. Sa maagang edad ng kanilang pagdadalang-tao, alam na kaya nila ang mga responsibilidad na kaakibat nito? Alam natin na ang pagpapamilya o pagkakaroon ng anak ay hindi basta-basta lang, lalo na sa hindi tamang panahon. Ngunit sino-sino nga ba ang may kasalanan sa mga kaganapang ito?

            Bilang magulang, nasisiguro mo bang nagagampanan mo ang iyong responsibilidad sa iyong mga anak? Hindi kaya dahil sa inyong kapabayaan kaya malaya nilang nagagawa lahat ng anumang nais nilang gawin. Bilang mga magulang responsibilidad niyo na gabayan at payuhan ang inyong mga anak sa bawat bagay na kanilang gagawin. Mahalaga rin na kausapin sila tungkol sa tamang panahon ng pagpapamilya. Higit na makakatulong kung mismong ang ating mga magulang ang siyang nagbibigay payo sa atin lalo na sa mga usaping ganito. Mas lalo natin itong maiintindihan kapag mula sa kanila sapagkat alam na natin na napagdaanan na nila ito. Ngunit sa lahat ng ito, pinakamahalaga pa rin na maipakita ng mga magulang ang pagmamahal nila sa kanilang mga anak. Maging bukas sa lahat ng bagay upang maramdaman natin bilang mga anak na kahit mawalan man tayo ng kaibigan, may magulang tayong maasahan at matatakbuhan sa kahit anu pa man.

             Sa mga kaibigan, matuturing nyo bang tunay kayong kaibigan? O d kaya'y kaibigan na naghahatid lang sa kapahamakan ng isa. Alam natin na lahat tayo bilang tao ay kailangan ng kaibigan, kaibigan na kasama natin sa bawat kasiyahan at karamay sa panahon ng kalungkutan. Ngunit sino nga ba ang tunay na kaibigan? Hindi lahat ng tao ay mabuting kaibigan, may iba na kaibigan ka lng kapag meron siyang nakukuha sayo. Meron namang iba na ang lagi sinasabi'y "gawin mo kung anong makapagpapasaya sayo, at kung ano ang nasa puso mo", kahit alam naman nilang mali ito. Oo tama nga naman, dapat tayong maging masaya para sa mga kaibigan natin, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Minsan kailangan din natin silang pagsabihan, pagsabihan sila sa kung ano man ang tama. Bilang kaibigan responsibilidad natin na isama sila sa tuwid na daan at hindi sang-ayunan ang kanilang baluktot na katwiran. Lagi nating tandaan, na ang mabuting kaibigan ay dapat laging totoo sa kahit kanino man.

  At bilang lalaki sa relasyong ito ikaw dapat ang nakakaalam ng limitasyon ninyo. "Respeto", yan ang dapat meron ka para sa babaeng minamahal mo. Dahil kung nirerespeto mo siya magagawa mong maghintay sa tamang panahon hanggang sa maging mag-asawa na kayo. Hindi mo kailangang magmadali, dahil ang mga bagay-bagay ay mas magiging masaya at matagumpay kung inilalaan ito sa tamang panahon.

                     Bilang babae naman sa realasyong ito, ikaw ang dapat mas nakakaalam ng limitasyon mo. Sa pag-usad ng relasyon ninyo dapat lagi mong isaisip na pwede mong ibigay ang lahat ngunit huwag lang yang kapirasong nakatago sa katawan mo. Kahit yan man lang itira mo para sa sarili mo. Halos lahat ng taong nkapaligid sayo nasisi ko na, subalit sinuman sa kanila ay walang magagawa sa kung anuman ang gustuhin mong gawin. At sa huli, lahat ng ito ay babagsak pa din sa iyong kapabayaan. Kahit minsan sana matuto kang mag-isip muna bago gawin ang alin mang bagay. Sapagkat wala naman ibang mahihirapan kundi ikaw din. Ikaw ang magdadala ng bata sa iyong sinapupunan, ikaw ang mahihirapang magbuntis at manganak, at ang mas mahirap ay kung wala kang maipakain sa inyong anak dulot ng kahirapan, hindi ba't napakasaklap?

          Bilang kabuuan ng lahat ng ito, nais kong malaman niyo na sa bawat kilos na ating gagawin ay laging may kaakibat ito na responsibilidad. Responsibilidad na dapat alam natin sa sarili natin. Sapagkat tayo rin at walang ibang sinuman ang magsasakripisyo sa mga maling desisyon na ating gagawin. Hindi kailanman mali ang magmahal, hangga't alam natin ang ating limitasyon at ang tama sa mali. Hindi rin mali ang magbuntis, ngunit dapat alam natin ang tamang panahon para dito. Lagi sana nating tandaan na ang lahat ng bagay ay mas gaganda at masaya kung ito ay naaayon sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.  

PROSEDYURAL NA TEKSTO: KRIS MAY ROTAIRO

               PAANO MAGHUGAS NG PINAGKAINAN?

                                         ni: Kris May Rotairo



    Sa paghuhugas ng pinagkainan ang unang gawin ay banlawan ang mga lahat ng mga gamit. Pangalawa unahing sabunan ang hindi masyadong masebong gamit tulad ng baso at pitsel. Pangatlo, sabunan ang mga ginamit na kutsara at tinidor. Pangapat, sabunan ang mga pinggan. At panghuli ay banlawan ang mga gamit hanggang sa mawala ang mga sabon nito.  

ARGUMENTATIBONG TEKSTO : KRISMAY ROTAIRO

                                               PAGGAMIT NG INTERNET
                                                  ni: Kris May Rotairo
      Sa henerasyon ngayon ay napakasikat nan g internet halos kahat ng tao ay gumagamit nito. Hindi maipagkakaila na halos lahat ng tao. Hindi maipagkakaila na halos lahat ng tao ay ginagawang pangpalipas oras ang pag iinternet.
     Maraming  magandang dulot sa’tin ang internet.  Makakakuha ka ng maraming impormasyon.Sa tulong nito maari kang makipagkomunikasyon sa iyong mga kakilala, kaibigan , lalong lao na sa iyong pamilya. Nakakatulong din ang internet na amalaman ang mga balita sa kasalukuyang bansa.

  Ngunit sa kabila nito, marami ring hindi magandang maidudulot ito sa atin, Maaring lumabo ang iyong mata dahilan ng radiation na galing sa computer o cellphone.

NARATIBONG TEKSTO: KRIS MAY ROTAIRO


                         “Ang lalaking may gitara”


                                        ni: Kris May Rotairo


"Oh, Elle di ka ba male-late niyan?" tanong ng Tita ko.
"Di naman Tita. Alas-diyes pa naman ang pasok ko eh." nakangiting sagot ko. Alas otso pa lang. Tantsa ko eh alas nueve y media nasa opisina na ako. "Alis na po ako." sabi ko pa bago lumabas ng gate.
Sa may McKiley Hill Taguig ako nagta-trabaho. Limang buwan na rin ako doon kaya naman sanay na ako sa mahabang biyahe. Tatlong sakay ang ginagawa ko bago makarating dun.
Sumakay ako ng jeep patungo sa terminal ng FX. Wala akong ibang choice eh. Yun lang ang magandang way para makarating sa opisina. Kahit na mas mahal ang bayad sa FX.
Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa terminal.
"Sh*t." nasabi ko na lang pagkababang pagkababa ko pa lang ng jeep.
Kita ko kasi kung gaano kahaba yung pila sa terminal ng FX papuntang Ayala. Ayala ang sinasakyan ko dahil wala namang diretsong The Fort. Naku naman! Baka ma-late ako nito. Masama pa man din ang panahon. Buti na nga lang tumila na yung ulan. Sobrang hassle talaga. Sana pala inagapan ko pa ng konti. Kung alam ko lang na ganito kahaba yung pila. Tsk!
May ilang minuto na rin ang lumilipas pero ni walang dumarating ng FX. Pag minamalas ka nga naman oh! Nasaan na ba yang mga lintik na FX na yan? Never pa akong na-late sa trabaho! Ito pa lang ang unang beses pag nagkataon!
"Miss... pila 'to ng Ayala?" tanong nung lalaki sa likod ko.
Nakakunot noo ako nang tumango sa kanya. Ni hindi ko siya tinignan. Wala ako sa mood sumagot ng maayos sa mga obvious na tanong. Wala namang ibang pila dito kundi Ayala at Crossing. Dun sa kabila may FX nakalagay "Crossing" malamang dito na yung Ayala di ba? Pssh. Common sense naman Kuya!
Kinuha ko na lang yung cellphone ko. Makikinig na lang ako ng music at baka sakaling mabawasan yung init ng ulo ko. Dahil mejo nangangawit na ako, himarap ako sa may barandilya at pinatong yung dalawang braso ko dun.
Mag kakalahating oras na ang lumipas pero isang FX pa lang ang dumating. At tantsa ko eh mga apat na FX pa bago ako makakasakay. Napatingala ako nang maramdaman kong may tubig na pumatak sa braso ko. Umaambon na naman. Pag minamalas ka naman talaga oh.
Kinuha ko agad yung payong sa bag ko. Wala kasing bubong dito sa terminal. Yung waiting shed lang. Eh ang layo ko dun kaya kelangan talaga ng payong.
Habang tumatagal eh nararamdaman kong lumalakas yung ambon. Napakunot yung noo ko nung biglang may gitara na nasa may paanan ko. Halatang naisilong yun sa payong na hawak ko. Pasimple kong sinulyapan yung katabi ko sa kanan. Siya yung engot na tinanong pa kanina kung pila ng Ayala ito. Naka jacket siya at yung hood niya lang yung pumoprotekta sa kanya para di siya masyadong mabasa. Ambon lang naman eh. Pilit kong inaaninag yung mukha niya pero di ko makita. Tsk! Lesheng hood yan oh! Gusto kong makita hitsura ni Kuya eh! Naa-attract kasi ako sa mga lalaking marunong mag-gitara. Eh di ko napansin na may bitbit siya kanina kaya mejo nasungitan ko siya.
Naramdaman kong lumalakas yung patak nung ulan sa payong ko. Napatingin ulit ako kay Kuya. Mukhang di na kaya ng jacket niya yung ambon.
Huminga muna ako ng mga sandaang beses pero joke lang yun, mga sampung beses lang saka ako nagsalita.
"Kuya, silong ka na oh." sabi ko sabay angat nung payong ko para umabot sa ulo niya. Mejo may katangkaran kasi siya eh.
Tumingin siya saken saka ngumiti. Ang cute niya pala! OMG! Ang landi ko lang ano ba yan!
"Huwag na. Baka mabasa ka pa. Itong gitara na lang." aniya saka lalong nilapit yung gitara para masilungan yun ng maayos.
"Naku baka magkasakit ka niyan Kuya." medyo concerned na sabi ko.
Natawa siya ng bahagya saka hinawakan yung payong. Bahagya niyang nahawakan yung kamay ko. Parang napaso ako sa pagdampi ng kamay niyang yun kaya napabitaw ako sa payong. Buti na lang hawak niya na yun at siya na ang nag-payong sa aming dalawa.
"Sige na nga. Para di ka na mag-alala jan." natatawa pa ring sabi niya.
Naramdaman ko yung pag-init ng pisngi ko. Tumungo ako kasi alam kong namumula na ako. Baket ba kasi ang cute niya? At ang ganda ng boses niya ha? Infairness.
"Saan punta mo Kuya?" pagsisimula ko ng usapan. Gusto ko kasing mabago yung usapan eh.
"Ahh sa Makati. Pupunta kami dun sa Recording Company na pinagpasahan namin ng demo. Gusto daw kaming makausap ng personal. Saka tutugtog kami para sa kanila."
"Wow! Good luck Kuya! Nice!" namamanghang sabi ko. "Lead guitarist ka Kuya?" tanong ko sabay tingin sa gitara niya.
Umiling siya. "Rhythm. Saka Vocals." nakangiti pa niyang sabi.
Lalo pa akong namangha. Mukha lang akong tanga. "Oh? Vocalist ka din? Nagvo-vocalist din ako dati! Kaso tinigil ko na eh." bigla kong nasabi.
"Talaga? Ayos yun ah. Baket ka naman tumigil? Sayang naman!" aniya.
Ngumuso ako ng bahagya saka nagsalita. "Kasi naman kinailangan kong pumili kung pagkanta ba o pag-aaral eh. Di naman kami mayaman kaya mas mahalaga yung pag-aaral. Wala naman kasing kasiguraduhan sa pagkanta eh."
Tumango-tango lang siya. Nakikinig sa mga kwento ko. Dahil sa pinanganak akong madaldal eh tuloy-tuloy yung kwento ko. Nang mapagod na lang ako saka ako tumigil. At ang nakakatuwa jan, pinanganak din palang madaldal itong si Kuya at tuloy-tuloy ang kwento. Naikwento niya na ata yung buong buhay niya eh.Ultimo pinapanood niya sa TV nai-kwento niya. Kaya naman pakiramdam ko eh kilalang-kilala ko na siya.
Bandang alas nueve na nang may dumating na van at nakasakay kami. Buti na lang at van na yung dumating. Kasi kung FX yan maghihintay pa ulit kami ng parating bago makasakay.
Magkatabi pa kami sa upuan kaya naman naipagpatuloy pa namin ang pagu-ututang dila. Napansin kong mejo nanginginig siya kaya kinuha ko yung extrang bimpo ko sa bag. Actually, tatlo ko na kasi.
"Kuya oh. Punas ka ng sarili mo. Basa ka eh." iniabot ko sa kanya yung isang bimpo. "Tapos ito ilagay mo sa likod mo para mainitan yung likod mo at di ka magkasakit." sabi ko pa sabay abot nung isa pang bimpo.
Napangiti siya nanag malapad. "Wag na, wala kang gagamitin pag ginamit ko yan." aniya at hindi inabot yung dalawang bimpo.
"Meron pa ako dito oh." Pinakita ko sa kanya yung isa pang bimpo sa bag ko. "Tapos ito pa." pinakita ko yung panyong hawak ko. "Saka may extra pa ako sa locker ko sa opisina." sabi ko sabay tapat sa mukha niya nung dalawang bimpo.
Natawa siya nang malakas na ikinatingin nung ibang pasahero. Nag-sorry siya agad dun sa mga nakatingin sa kanya.
"May tindahan ba kayo ng bimpo?" naaaliw na bulong niya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama na lalo niyang kinatawa. Pero this time pigil na pigil siya. Baka kasi magalit na naman yung ibang pasahero eh. Habang impit na tumatawa eh inabot niya yung mga bimpo at nagsimulang punasan yung basang mga braso niya saka yung mukha niya. Nilalagay niya rin yung isang bimpo sa likod niya gaya ng sabi ko. Kaso dahil di niya yung masyadong abot, kita ko sa kanyang hirap na hirap siya.
"Kelangan ng tulong?" tanong ko.
Tumango siya saka tila nahihiyang inabot saken yung bimpo. Ang cute niya lalo! Ano ba yan ang landi ko talaga!

TEKSTONG PERSWEYSIV: KRIS MAY ROTAIRO

          SANG-AYON KA BA SA PROGRAMANG K - 12?

                                            ni: Kris May Rotairo


            Ang programang k-12 ay ipinatupad ng DepEd na kung saan nangangahulugan nan g pagaaral ay nagsisimula mula kinder hanggang sa biatang ika-12.
          Sa programang ito ang mga mag-aaral sa senior highschool ay ipiniprepara para sa kanilang gustong kurso sa kolehiyo. Sa tulong nito mas mahahasa nag kanilang kahusyan at abilidad. Sila ay sinasanay ng mabuting para maging preparadong preparado na para sa kolehiyo. Ngunit sa kabila nito may ibang tao pa rin ang hindi sang-ayon sa k-12 dahil iniisip nila na madagdagan ng 2 taon ang pag aaral sa high school. Madagdagan na anamn ang kanilang gastusin kahit na may voucher pa. Hindi nila kinokonsedera ang magandang oportunidad na maidudulot nito para sa mag-aaral.

       Alam mo bang ayon sa aking pananaliksik na halos lahat ng bansa sa mundo ang naipatupad na ang programang k-12 mabibilang na lamang ay naipatupad na ang programang k-12 mabibilang na lamang ang mga bansang hindi pa nakakapag patupad ng gantong programa. Ang mga bansa naming nakapagpatupad na ngganitong programa ay ang mga bansang kasalukuyabf nagunguna sa mga mauunlad na bansa sa buong mundo.

Huwebes, Pebrero 2, 2017

PROSEDYURAL NA TEKSTO




"ISANG BASONG TUBIG"
BY:PAUL ANUNSAON





  • UNANG HAKBANG : KUMUHA NG BASO
  • PANGALAWANG HAKBANG: HUMANAP NG TUBIG
  • PANGATLONG HAKBANG : LAGYAN NG TUBIG ANG BASO
  • PANG-APAT NA HAKBANG : ISILBI

PERSWEYSIV NA TEKSTO

"POKUS SA PAG-AARAL"
BY:PAUL ANUNSAON


                      Pagod ka na ba sa pag- aaral? Susuko ka nalang ba ng ganyan ka dali? Isipin mo muna ang hirap at sakripisyong ginawa ng magulang mo para ma tus-tusan ang pag aaral mo, ang supporta nila sa iyo. Kanilang pagganyak para ikaw ay mag-aral, Sana'y pag isip isipan mo ang kanilang sakripisyo huwag ang sarili ang unahin.

         Ikaw, Oo ikaw. Alam mo bang mahirap na nga kayo, Pinapahirapan mo pa ng sobra ang magulang mo, sana man lang mag-ayos ka sapag- aaral mo. iyan na nga lang ang maibibigay mo sa iyong mga magulang sa ngayon, ang mapasaya sila. Marami ka namang mga pagganyak gaya nang parating sinasabi ng magulang natin na, ayusin mo pag-aaral mo ha? para sa hinaharap hindi kana mahihirapan sa buhay mo. Tiyaga at Hindi pagbabago ng grado sa skwela para sa hinaharap may pirmi ka na na trabaho at hindi kana mahirapan pag dating ng panahon. kaya simula ngayon huwag niyong aksayahin ang panahon na ikaw ay nakakapag-aral pa. Ikaw lang din naman makikinabang kung ano matatapos mo sa pag-aaral."Keep that in mind"


         Hinding hindi mo pagsisihan kung ikaw ay makapag-tapos at magkaroon ng magandang trabaho para sa pamilya mo at sa susunod na pamilya mo yung sa iyo na talaga.

ARGUMENTATIBONG TEKSTO

"EBOLUSYON NG TAO SA MUNDO"
By: Paul Anunsaon


                         Bibliya Ayon sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya, sina Adan at Eba(ang unang lalaki at unang babae) Ang mga unang tao sa mundo. Sila ang magulang ng sangkatauhan: sapagkat si Adan ang pinakaunang tao, samantalang si Eba ang pangalawa. Nilalang ng Diyos si Adan mula sa alabok sa lupa ayon sa wangis ng Diyos o bilang isang kalarawan. Nilikha namanng Diyos si Eba mula sa mga tadyang ni Adan. Atomic Theory Isang teorya ng mga istraktura ng atom. (kimika) anumang teorya kung saan ang lahat ng bagay ay binubuo ng maliit na maliit na maliit discrete. Teorya sa Cell Isinasaad ng teorya ito na ang buhay sa daigdig ay nagmula sa simpleng selyula. Mula rito, ang iba't ibang anyo ng buhay (life-forms) ay nagbago at dumami sa iba't ibang kaparaanan sa paglipas ng panahon. Sa ibang salita, ang mga simpleng organismo ay nagbigay-daan sa pglitaw ng iba't ibng uri ng higit na maslimuot na organismo makaraan ang libo o milyong taon ng pagbabago o ebolusyon. Halimbawa, ang gorilya ay sinasabi ng mga siyentipiko na nagmula sa iisang ninuno. Isa ngang inaatupang ng mga siyentista ang pagtuklas sa ninunong ito gayundin ang mga pagbabago nito hanggang sa maging modernong tao. Sir Chevalier de Lamarck Isang propesor ng zoology sa Pransya, ang nagsabi na ang mga simple, maliit at buhay na mga bagay ay nagbabago dahiol sa klima, temperatura, taas ng tirahan o kapaligiran nito.

NARATIBONG TEKSTO

"IIBIGIN NA LAMANG ANG LARONG DOTA"
BY: PAUL ANUNSAON


                      Mayroon akong kaibigan, simula pagkabata naglalaro na sya ng sinasabing laro "Dota".
Kaya't lumaki siyang manlalaro nang dota, mejo maypagka geek itong taong to. kaya nung pag pasok niya nang haiskul sa isang pribadong eskwelahan, napadaan itong si Jay sa tambayan namin sa campus, mejo ta-tanga kase itong si Jay. Nakita na niya na may nakaharang ewan bakit na bundol pa siya dun. At dun tumawa kami ng malakas, lumingon siya sa amin parang papalag pa. Kinabahan kami, pero wala lang pala parang takot, walk out eh.

                 Palagi siyang duma-daan sa tambayan namin. Ilang araw o buwan sa pag daan niya sa harapan namin napag desisyonan na ng tropa na kausapin si Jay. Napag-alaman kasi nila na wala palang kaibigan sa campus si Jay. Sinasabay na nila sa gimik itong si Jay, makasabay naman pala siya. Kase lumaki din pala sya sa labas nang kanilang bahay. Marunong siyang makihalobilo sa iba pero nga lang mahiyain sya kaya ayon hinihintay lang niya na kakausapin siya o i "approach". Natanong nang bago niyang ka barkada kung ano ang kanyang hilig na laruin. kase ang sa kanila basketball. Sinabi ni Jay na isa lang talaga ang hilig niya ang paglalaro ng dota magdamag. napa "wow" ang bago niyang ka tropa sa word na "Magdamag". Naimpluwensyahan ni Jay itong mga kaibigan niya na lalaro ng dota, at doon na addict silang lahat sa larong iyon. Pero ang mabuting bagay eh. Hindi nila pina pababayaan ang kanilang pag-aaral. Years past by, Magkakaibigan parin sila dota parin nilalaro, masaya ang barkadahan, nagtatawanan, may iyakan, pagtatapat ng dinaramdam o marami pa yun.

                 Ika-apat na taon na ni Jay sa kanyang paaralan (4th Year). Sila parin ng tropa niya ang magkakasama palagi, hindi na classmate pero nagkikita parin sa tambayan. Okay na rin kesa magkakahiwalay o magka watakwatak. Nagkikita parin sila ng barkada niya pero nagtaka itong mga kaibigan niya kung bakit itong si Jay, Limit na kung makalaro nang dota. Kaya tinanong nila. "Oy pre bat limit kanang naglalaro ng dota?" Sabi ni Jay "wala akong pera eh" tropa "eh noon nga kung wala kang pera palagi kang naghahanap ng paraan makalaro lang kasama namin" Jay "walang nasabi" Tropa" may problema ba? eh kung meron bakit hindi mo sasabihin iintindihin ka namin" at dun sinabi ni Jay sa kanyang Barkada na "Pre, ayaw ko nang mag laro. Hindi kase gusto nang nililigawan ko na maglaro ng dota. kaya bibitaw na ako sa larong iyan." Bumitaw si Jay sa larong dota, at hinihintay na sagutin ng kanyang nililigawan. Inlove na inlove itong si Jay sa kanyang nililigawan hanggang dumating ang panahon na sinabihan siya nung babaeng nililigawan niya na "ayaw ko muna magka Boyfriend" Dayum, Napaiyak si Jay,Napainom, kasama barkada.. Ewan ko bakit naiyak din kami noon. Pero siguro napaasa si Jay kaya sakit din sa parte nang barkada niya. at dun sinabi ni Jay na "Ayoko na ng love life nakakasira sa pagdodota (lasing) buti pa nung una eh dota nalang inibig ko, hindi pa ako masasaktan, kasi kung iiwan ko siya tanggap parin niya ako, 20 pesos lang masaya na ako mas masaya pa pagkasama ang tropa, pasensya mga tol. Cant help falling in love" at dun wala nang mapuntahan itong si Jay kaya't bumalik na lamang siya sa paglalaro nang dota. Yun yung bagay na nagpapaligaya sa kanya simula pa noon. Hindi ang mainlove.